![]()
Suportado ni Albay 3rd Dist. Rep. Adrian Salceda ang renewal ng Cebu Pacific at Cebgo franchises, subalit nanindigang accountable ang mga ito sa Filipino public.
Giit ni Salceda, bilang archipelagic country, ang connectivity ay napakahalaga dahil isa itong economic infrastructure.
Aniya, kapag mahal o mahirap ang biyahe sa mga probinsya tungo sa sentro ng komersyo, hindi lamang pasahero ang apektado kundi maging ang mga kalakal.
Tumataas ang cost of doing business, lumiliit ang access sa turismo, merkado, at nababawasan ang oportunidad sa mga rehiyon.
Si Salceda ang principal author ng HB No. 9370 para sa 50-year franchise renewal ng Cebu Air, Inc., ang operator ng Cebu Pacific, at HB No. 6546 para naman sa prangkisa ng Cebgo Inc.
Iginiit ng kongresista na kung mapagkakalooban ng tig-50-taong prangkisa ang Cebu Pacific at Cebgo, may 50 years ding public accountability ang mga ito, bilang pagsunod sa mga itinakdang kondisyon sa ngalan ng public interest.
