dzme1530.ph

CICC, HUMINGI NG PASENSYA SA ABALANG IDINULOT NG BAN SA DISCORD

Loading

Humingi ng pasensya ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
 
Dahil ito sa abalang idinulot ng kanilang order kung saan pansamantalang na-ban ang media sharing at messaging platform na Discord sa Pilipinas.
 
Kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng ilang oras na ban ng Discord sa bansa, sinabi ni DICT Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, Executive Director ng CICC, na inaayos na nila ang lahat kaagapay ang Discord.
 
Binawi ang ban kasunod ng meeting ng CICC at management ng Discord kung saan tinalakay ang isyu sa compliance.
 
Inihayag ni Paraiso na nangako ang Discord na bibigyan ang ahensya ng “green lane” para i-monitor at kilalanin ang threat actors sa kanilang platform.
 
Binigyan din ang platform ng pagpipilian kung magtatayo sila ng local satellite office o magpapadala ng representatives sa bansa para mapadali ang komunikasyon o koordinasyon.

About The Author