dzme1530.ph

Pumanaw na si Antero “Terry” Saldaña sa edad na 64

Kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagpanaw ni Saldaña kahapon araw ng Martes matapos itong ibalita sa kanya ni Ed Cordero na dating Toyota Teammate ng PBA Legend.

Matapos maglaro para sa University of Santo Tomas (UST) noong kolehiyo, pumasok si Saldaña sa pba noong 1982 at itinanghal bilang most improved player ng liga noong 1983.

Tinagurian bilang “plastic man,” naglaro si Saldaña sa iba’t ibang koponan hanggang sa kanyang 40’s na naglaro si Saldaña ng 17 seasons sa Philippine Basketball Association (PBA).

Enero 2021 ng ipaalam sa social media na mayroong iniindang mga sakit ang dating basketball player at nanawagan ito ng financial assistance para sa kanyang pangangailangang medikal.

About The Author