dzme1530.ph

DOH, 9,617 aktibong kaso ng COVID-19, naitala

145 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health, dahilan para lumobo na sa 4,073,504 ang nationwide caseload.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bahagyang tumaas sa 9,617 ang active infections kahapon mula sa 9,604 noong miyerkules.
Nadagdagan naman ng 29 ang mga pasyenteng gumaling kaya umakyat na sa 3,998,077 ang total recoveries.
Nakapagtala rin ang DOH ng 8 mga nasawi dahil sa COVID-19, kaya pumalo na sa 65,810 ang death toll.

About The Author