dzme1530.ph

Proposed 2025 national budget, lalagdaan na ng Pangulo ngayong araw

Loading

Lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, Dec. 30, ang proposed 2025 national budget.

Ito ay matapos unang ipagpaliban ang pagpirma sa pambansang budget noong Dec. 20, sa harap ng mga isyu tulad ng tinapyas na pondo sa Dep’t of Education at PhilHealth.

Alas-9:30 ng umaga itinakda ang signing ceremony sa Malakanyang.

Masusing pinag-aralan ng Pangulo ang 2025 General Appropriations Bill kasama ang ilang miyembro ng gabinete, at posibleng mayroon siyang mga ive-veto na line items at provisions.

Ang seremonya ay dadaluhan din nina Senate President Francis Escudero, House Speaker Martin Romualdez, Executive Sec. Lucas Bersamin, Budget Sec. Amenah Pangandaman, Finance Sec. Ralph Recto, NEDA Sec. Arsenio Balisacan, at iba pang opisyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author