Ipinag-utos ng Malakanyang ang pagpapatupad sa National Security Strategy 2024.
Sa Memorandum Circular no. 75, inadopt ang NSS 2024 na binuo ng National Security Council sa pag-konsulta sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, civil society organizations, academe, at pribadong sektor, at inendorso ng National Intelligence Board kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Layunin nitong i-operationalize ang mga polisiya at mithiin sa ilalim ng National Security Policy 2023-2028, para sa pagkakamit ng malaya, matatag, mapayapa, at masaganang maritime at archipelagic nation, sa ilalim ng proteksyon ng maaasahang defense at public safety system.
Kaugnay dito, inatasan ang NSC na pangunahan ang implementasyon nito sa pamamagitan ng pagbuo ng partnerships sa mga kaukulang ahensya at stakeholders, at pakikipagtulungan sa Presidential Communications Office para sa information at awareness campaign kaugnay ng mga nilalaman nitong plano at programa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News