dzme1530.ph

Proposal ng posibleng pagsasanib-pwersa ng LandBank, DBP, wala pa —Rep. Tieng

Nilinaw ni Committee on Banks and Financial Intermediaries chairman at Manila City 5th District Rep. Irwin Tieng na wala pang nakahaing proposal sa kanilang komite kaugnay sa posibleng pagsasanib o pag-iisa ng LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Cong. Tieng na inabisuhan lamang sila hinggil sa proposal sa amendment ng charter ng LandBank ngunit wala pa silang kopya nito.

Dagdag pa ng opisyal na iimbitahan nila ang mga stakeholder sakaling may babaguhin sa naturang charter.

Ipinabatid naman ni Tieng na pag-aaralan nilang mabuti ang naturang proposed merger ng pamahalaan.

About The Author