![]()
Ipinagtanggol ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga hakbang ng Israel sa United Nations General Assembly, para kontrahin ang lumalawak na international isolation bago ang eleksyon na maaari niyang ikatalo.
Sa pag-akyat ni Netanyahu sa rostrum, ilang opisyal ang nag-walkout sa UN General Assembly bilang protesta.
Tinawag naman ng prime minister ang mga lumabas na “moral cowards” habang ang kanyang mga tagasuporta sa gallery ay nagbunyi at sumigaw ng “The people of Israel live.”
Ginamit ni Netanyahu ang kanyang UN address para batikusin si New York Mayor Zohran Mamdani matapos siyang tawagin na “war criminal.”
Binanatan din nito ang Western European leaders sa umano’y pagsuko sa “antisemitic mobs,” at inakusahan ang Qatar at Turkey ng pagpapakalat ng mga kasinungalingan laban sa Israel.
:::
