dzme1530.ph

Presyo ng bigas sa ilalim ng “Rice-for-All”, MSRP sa imported rice, tinapyasan pa ng DA

Loading

Ibinaba pa ng Department of Agriculture ang presyo ng iba’t ibang klase ng bigas na ibinibenta sa ilalim ng kanilang Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All (RFA) initiatives, gayundin ang maximum suggested retail price (MSRP) sa imported rice.

Sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na simula bukas, mababawasan pa ang presyo ng mga bigas sa ilalim ng RFA, na repleksyon ng pagbagsak ng global rice prices at pagtaas ng domestic supply.

Aniya, hanggang tatlong piso kada kilo ang ibinaba sa RFA prices.

Dahil dito, simula bukas ay mabibili ang RFA-5 sa ₱43 per kilo, habang ₱35 ang RFA-25 at ₱33 ang RFA-100.

Idinagdag ng DA chief na patuloy na magbebenta ang Kadiwa ng Pangulo ng bigas na ₱29 per kilo para sa vulnerable groups, gaya ng mahihirap, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents.

About The Author