![]()
Itutuloy pa rin ni Pope Leo ang pagpuna laban sa digmaan kasunod ng pagbatikos sa kanya ni US President Donald Trump.
Habang lulan ng papal flight patungong Algiers para sa sampung araw na tour sa apat na African countries, nilinaw ng Santo Papa na ayaw niyang makipag debate sa US President.
Sinabi ni Pope Leo na ang mensahe ng banal na kasulatan ay hindi dapat inaabuso, gaya ng ginagawa ng iba.
Nangako ang American Pope na patuloy niyang isusulong ang kapayapaan, dayalogo, at multilateral relationships sa mga bansang naghahanap lamang ng solusyon sa mga problema.
