![]()
Sumuko sa mga otoridad si Cavite Rep. Kiko Barzaga, matapos isyuhan ng warrant of arrest kaugnay ng cyber libel charges na isinampa laban sa kanya.
Sumuko ang mambabatas kay Police Lt. Col. Mac Arthur Mercader, officer-in-charge ng Dasmariñas Component City Police Station, kagabi.
Ang arrest warrant ay inilabas laban kay Barzaga ng Makati Regional Trial Court Branch 147.
Batay sa kopya ng warrant, kinasuhan ang kongresista ng 8 counts ng cyberlibel, at bawat bilang ay may itinakdang piyansa na 45,000 pesos.
