dzme1530.ph

Pope Francis, pinatalsik ang dating obispo na umaming inabuso ang 2 pamangkin

Pinatalsik ni Pope Francis mula sa pagka-pari ang dating Belgian Bishop na umaming mahigit isang dekadang sekswal na inabuso ang kanyang dalawang pamangkin na lalaki.

Ayon sa Belgian Church, nag-resign ang 87-taong gulang na si Roger Vangheluwe bilang bishop ng Bruges noong 2010 matapos aminin na inabuso niya ang kanyang pamangkin sa loob ng 13-taon.

Makalipas ang isang taon ay umamin ang dating obispo na inabuso rin niya ang ikalawang pamangkin, kasabay ng pagsasabing hindi niya ikinu-konsidera ang sarili bilang pedophile.

Inihayag ng Belgian prosecutors na masyado nang mahaba ang lumipas na panahon para makasuhan pa ang dating obispo kaya hinimok nila ang Vatican na patawan ito ng mabigat na parusa.

About The Author