Nagpahiwatig ng pagsuko ang isang dating police general na nangibang bansa dahil sa pagkakasangkot sa bilyon pesos drug haul sa Maynila noong 2022.
Sa pulong balitaan sa camp crame, kinumpirma ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director, Brig. Gen. Nicolas Torre na nagpadala na ng surrender feelers ang dating heneral at handa nitong harapin ang kasong kanyang kinakaharap.
Matatandaang, 2 heneral ang nasangkot sa operasyon noong 2022 kabilang dito ang hindi pinangalanang heneral. Gayundin si retired Brig. Gen. Narciso Domingo na una nang naglabas ng pahayag sa isang social media platform at sinabing gawa gawa lamang kaso.
Dagdag pa ng opisyal, isang bailable offense ang kinakaharap ng mga ito at sa sandaling umuwi na ng bansa ang dating heneral, tiniyak nito na bibigyan nila ng karampatang seguridad upang harapin ang kaso.
Samantala, mayroon ng sinusundang lead ang CIDG sa kinaroroonanan ni Domingo at patuloy ang paghikayat kasama ang iba pang at large na pulis na sumuko at haraping ang mga kasong isinampa laban sa kanila. —ulat mula kay Allen Ibañez