dzme1530.ph

PCO, nakipagsanib-pwersa sa Meta, Google, at Tiktok laban sa misinformation at disinformation

Nakipagsanib-pwersa ang Presidential Communications Office (PCO) sa Meta, Google, at Tiktok, upang labanan ang misinformation at disinformation.

Ayon kay PCO undersecretary for digital media services Emerald Ridao, malinaw na ang misinformation at disinformation ay tumataliwas sa mga programa ng gobyerno, at lumalala na rin ang pag-punterya nito sa mga bahagi ng administrasyon.

Kaugnay dito, sinisimulan na umano ang digital defense laban sa mga ito.

Pinayuhan naman ni Meta public manager Genixon David ang publiko na panatilihing secured ang kanilang social media accounts, at gawing “strong” at “unique” o mahirap hulaan ang passwords.

Tiniyak din ni Google head of gov’t affairs Yves Gonzales na hindi pinapayagan sa Youtube ang anumang mapanganib na content kaugnay ng medical information na hindi tugma sa mga sinasabi ng Local Health Authorities o guidelines ng World Health Organization.

Binigyang diin naman ni Tiktok head of public policy in the Philippines and Malaysia Toff Rada ang kahalagahan ng “critical thinking” sa pagtukoy sa tama at maling content.

About The Author