dzme1530.ph

PCG, nagpasaklolo para ma-contain ang oil spill sa Oriental Mindoro

Bukas umano ang Philippine Coast Guard (PCG) sakali mang mag-alok ang China ng tulong para ma-contain ang paglawak ng tumagas na langis sa Oriental Mindoro.

Sa isang forum, sinabi ni PCG chief Admiral. Artemio Abu na ‘sino ba naman daw sila para tumanggi’ sakali mang mag-assist ang Chinese Coast Guard.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Abu na nagpasaklolo na rin sila sa Estados Unidos dahil sa patuloy na pagkalat ng oil spill.

Matatandaang, una nang nag-pledge ng tulong ang Japan at ang South Korea.

About The Author