dzme1530.ph

PBBM, itinatag ang Tupi IT Park sa Cotabato bilang special economic zone

Itinatag at itinakda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Tupi Information Technology Park sa Cotabato bilang special economic zone.

Sa proclamation no. 530, nakasaad na layunin nitong makahikayat ng mas marami pang foreign investors.

Ito ay alinsunod din sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority.

Saklaw ng Tupi IT Park ang bahagi ng National Highway sa Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato.

Ang hakbang ng pangulo ay alinsunod sa kanyang awtoridad sa ilalim ng Special Economic Zone Act of 1995.

About The Author