Susuyurin ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime commission (PAOCC), ang mga indibidwal na nasa blacklist ng bureau of immigration (BI).
Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, tuloy-tuloy ang kanilang pag-iimbestiga sa kwestyunableng ‘genuine’ Philippine documents ng mga ito.
Sinabi naman ni BI spokesperson Dana Sandoval, na handa silang ipresenta ang listahan ng blacklist for travel, sa PAOCC, at handa rin silang magpaabot ng anumang tulong na kailangan nito para sa pag-usad ng imbestigasyon.
Ginawa ni Cruz ang pahayag, kasunod nang pagkakaaresto ng dalawang indibidwal na nagtrabaho sa isang blacklisted agency na nagpoproseso ng mga pekeng dokumento. —sa panulat ni Judea Bernardo