dzme1530.ph

Panukala para sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga kaso ng droga at henious crimes, bubuhayin

Loading

Target ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na buhayin ang panukala na magpapataw ng parusang kamatayan sa mga high level drug traffickers at mga sangkot sa heinous crime.

Naniniwala si dela Rosa na lulusot ang panukala kung magiging malinaw sa mga kapwa mambabatas na ang papatawan nito ay drug traffickers na nagpapakalat ng iligal na droga.

Iginiit ng senador na ito ang nakikita niyang solusyon laban sa mga matitinding krimen at problema sa droga sa bansa.

Tinukoy pa ng mambabatas ang insidente ng pagdukot sa isang 14-anyos na Chinese student na pinutulan pa ng daliri.

Aminado si dela Rosa na nakababahala na aniya ang matitinding krimen na kagagawan ng mga taong wala na sa tamang pag-iisip dahil sa nasa ilalim ng impluwensya ng droga.

Isinalaysay pa ni dela Rosa na noong siya pa ang director general ng Bureau of Corrections, isang convicted Chinese drug lord ang umamin na sa bansa ginagawa ang iligal na droga dahil wala nang ipinatutupad na capital punishment kahit pa sila ay maaresto.

About The Author