![]()
Kailangang sumailalim ng Pilipinas sa isang cultural shift, sa gitna ng sunod-sunod na high-profile flood control corruption cases na yumanig sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Forbes Global CEO Conference sa Singapore, sinabi ni Pangulong Marcos na para matugunan ang mga naturang isyu ng katiwalian, ang mga pagbabagong kailangan ay dapat lumampas sa antas ng burukrasya.
Aminado ang Pangulo na mas mahirap isakatuparan ang cultural shift, kumpara sa tinatawag na bureaucratic shift o systems change, subalit dapat itong gawin.
Binigyang-diin ni Marcos na ang korapsyon ay hindi dapat maging katanggap-tanggap.
