![]()
Nagpapatupad ang hog traders ng tatlong araw na “pig holiday” o pansamantalang suspensyon sa pagbebenta ng karneng baboy, bilang protesta sa pag-aangkat na nakaaapekto sa industriya.
Sinimulan kahapon ng traders ang “pig holiday,” bagaman may ilang mga palengke na hindi ito ramdam.
Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, ₱350 million kada araw ang nawawala sa industriya o ₱7,000 kada ulo ng baboy, dahil sa frozen pork na galing sa ibang bansa.
Inihayag naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na lagpas na ito sa kamay ng Department of Agriculture (DA), dahil nasa antas na ito ng Pangulo at ng kanyang economic managers.
