dzme1530.ph

PANGANGAILANGAN NA HIGPITAN PA ANG SEGURIDAD SA MGA PAARALAN, MULING IGINIIT NG PANGULO NG SENADO

Loading

Muling iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pangangailangang higpitan pa ng mga paaralan ang ipinapatupad na security measures dahil sa magkakasunod na insidente ng pananaksak sa ilang eskwelahan.

Aminado si Gatchalian na nababahala siya na ilang araw lamang matapos ang stabbing incident sa Macabalan Elementary School sa Cagayan de Oro, kung saan isang Grade 6 student ang nanaksak ng kaklase, ay nasundan pa ito ng kaparehong insidente.

Binanggit ng senador ang pananaksak sa isang Grade 7 na estudyante sa kanyang kaklase sa San Pablo City Science Integrated High School sa Laguna at isa pang stabbing incident sa isa ring public school sa Davao City, kung saan dalawang Grade 5 students ang sangkot.

Muling hinimok ni Gatchalian ang Department of Education na palakasin ang security measures na dapat sabayan ng pagpapatupad ng school-based mental health program at anti-bullying policies.

Tiniyak naman ng Senate leader ang suporta sa pagpopondo sa mga programa para sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.

About The Author