![]()
Pinasalamatan ni Pres’l Legislative Liaison Officer o PLLO Sec. Joey Sarte Salceda si Pangulong Marcos Jr. sa pagtalaga nito kay Dr. Edwin Mercado bilang Health Secretary, at kay Dr. Beverly Lorraine Ho bilang President at CEO ng PhilHealth.
Ayon kay Sec. Salceda, malaki na ang nagawang pagbabago ni Mercado sa PhilHealth, pangunahin diyan ang mas malawak na benepisyo at mabilis na claim payments.
Sa pag-upo nito bilang bagong Health Secretary, mas makasisiguro na ang reform momentum ay madadala sa buong health system.
Si Dr. Ho naman ay nakatrabaho na umano niya sa sin tax reform, at ang maayos nitong kredibilidad ay may malawak na suporta ng civil society at private sector.
Kilala umano ito bilang may malinis na record, competent at ang pagiging bata ay makadaragdag para mabuo ang ganap na pagbabago sa PhilHealth.
Saad pa ni Salceda, ang appointment nina Mercado at Ho ay excellent para sa Universal Health Care sa bansa.
Si Ho bago ang appointment ay Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc.
