dzme1530.ph

Pagsunod ng GenCos sa mga preventive maintenance schedule, pinatitiyak sa DOE at ERC

Loading

Pinatitiyak ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Energy at sa Energy Regulatory Commission na nasusunod ng mga generation company sa mga preventive maintenance schedules upang maiwasan ang pagkagambala sa suplay ng kuryente bago ang inaasahang pagtaas ng demand sa mga buwan ng tag-init.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag kasunod ng babala ng National Grid Corporation of the Philippines na kapag tumirik ang mga planta na wala sa plano ay maaaring magbanta sa suplay ng kuryente sa mga buwan ng tag-init.

Binigyang-diin ng senador na, para maiwasan ang mga brownout, dapat magsagawa ng regular na maintenance ang mga generation company para matugunan ang mga potensyal na problema at ma-maximize ang power generation output.

Ipinaalala ng mambabatas na ang kawalan ng kuryente, lalo na tuwing tag-init, ay nagdudulot ng malawakang epekto sa mga pamilya, negosyo, at buong komunidad.

Dapat din aniyang dagdagan ng DOE ang impormasyon, edukasyon, at komunikasyon tungkol sa energy efficiency at conservation sa mga konsyumer.

About The Author