dzme1530.ph

Pagpatay sa isang prosecutor sa Davao, kinondena ng DOJ

Kinondena ng Department of Justice (DOJ) ang walang saysay na pagpatay kay Assistant Provincial Prosecutor Eleanor P. Dela Pena ng Office of the Provincial Prosecutor, Davao Occidental.

Inatasan na rin ni Department of Justice sec. Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation na agarang magsagawa ng Parallel investigation at aksiyon kauganay ng pagpaslang sa piskal, at tiyakin ang hustisya maging sa hanay ng seguridad ng mga miyembro ng Hudikatura.

Git ni Remulla walang lugar sa lipunan para sa mga ganitong barbaric acts.

Ipinabatid din nito ang kanilang lubos na pakikiramay sa pamilya ni Prosecutor Dela Pena at pangakong ibibigay ang katarungan para sa biktima.

About The Author