![]()
Wala pang pasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung palalawigin ang 50 pesos-per-kilo na price ceiling sa imported rice.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na inirekomenda ng National Price Coordinating Council (NPCC) na i-extend ang price cap, subalit nire-review pa ng Pangulo ang proposal.
Aniya, isa sa factors na ikinukonsidera ay ang nalalapit na harvest season ng palay sa Setyembre.
Idinagdag ni Castro na inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture na hindi dapat mawalan ng fertilizers ang mga magsasaka.
Binigyang-diin ng Palasyo na patuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng fertilizer sa mga magsasaka tuwing planting season upang makatulong na maibaba ang production costs.
