dzme1530.ph

MGA MIYEMBRO NG IGLESIA NI CRISTO, NAGSIMULA NANG MAGTIPON SA LIWASANG BONIFACIO

Loading

Nagsimula nang magtipon sa Liwasang Bonifacio sa Lungsod ng Maynila ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa ikatlong araw ng kanilang protesta.
 
Inilipat ng organizers ang pagtitipon matapos tumanggi ang Quezon City government na i-extend ang kanilang permit to rally.
 
Inanunsyo ng INC minister na itutuloy ang rally sa Liwasang Bonifacio dahil hindi ito nangangailangan ng permit.
 
Ayon kay National Capital Region Police Office Director, Police Major General Anthony Aberin, aabot sa isang libong tauhan ang pauna nilang idedeploy sa lugar.
 
Sinabi ni Aberin na madaragdagan ang mga pulis na ipakakalat sa lugar depende sa dami ng mga lalahok sa rally.

About The Author