dzme1530.ph

Pagpapalawak ng Kadiwa Stores, napapanahon upang maibaba ang presyo ng mga pangunahing produkto

Loading

Suportado ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian ang pagpapalawak ng Kadiwa Stores sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA), sa layuning gawing mas abot-kaya at madaling ma-access ang sariwa at masustansyang pagkain para sa mga pamilyang may mababang kita.

Ayon kay Gatchalian, ang hakbang na ito ay mahalagang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, lalo na para sa mga mahihirap na Pilipino.

Nanawagan din ang senador sa pamahalaan na mas palawakin pa ang programa upang mas maraming Pilipino ang makinabang.

Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat tiyakin ng gobyerno na ang abot-kaya at masustansyang pagkain ay hindi isang pribilehiyo kundi isang karapatan ng bawat Pilipino.

About The Author