dzme1530.ph

Pagkalas ni Sen. Imee Marcos sa senatorial lineup ng administrasyon, walang problema kay PBBM

Walang problema kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkalas ni Sen. Imee Marcos sa senatorial lineup ng administrasyon.

Sa ambush interview sa Tarlac, inihayag ng Pangulo na ang pagtakbo bilang independyenteng kandidato ng kanyang kapatid ay magbibigay sa kanya ng kalayaan para gumawa ng sarili niyang schedule sa pangangampanya sa paraang kanyang nanaisin.

Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na nasa likod pa rin ni Senadora Imee ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, at welcome pa rin itong dumalo sa kanilang campaign sorties.

Mabababatid na nagpasiya si Senadora Imee na tumakbo bilang independent candidate upang tularan umano ang kanilang Amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na tumindig ng malaya at matatag, at wala umanong dapat na ibang alyansa kundi sa sambayanang Pilipino.

About The Author