Tutukan ng gobyerno ngayong 2025 ang pagtitiyak ng pagiging road-worthy ng buma-biyaheng tren sa labas ng metro manila.
Sa bagong pilipinas ngayon public briefing, inihayag ni Philippine National Railways General Manager Diovanni Miranda na partikular na aayusin ang paglilipat sa Laguna ng mga tren na dating ginagamit sa NCR.
Sa pamamagitan nito, madadagdagan ang mga treng nag-ooperate sa Southern Luzon.
Bukod dito, tuloy-tuloy din ang pagsasaayos ng tulay sa Quezon at ang rehabilitasyon ng mga riles, kabilang na ang mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
Layunin ng PNR na masiguro ang tuloy-tuloy na railway line mula Bicol Region hanggang Laguna.