dzme1530.ph

PAGCOR, P58.96 bilyong pisong kita naitala noong 2022

Lumago sa double-digit ang kita ng Philippine Amusement Gaming Corporation noong nakaraang taon.

Ibinida ng PAGCOR na nakapagtala ito ng “record-breaking feat” dahil sa P58.96 bilyong pisong revenues noong 2022, na mas mataas ng 66.16% kumpara sa P35.48 bilyon noong 2021.

Sinabi ng PAGCOR na ang pinakamalaking contributor sa kanilang revenues noong nakaraang taon ay ang income mula sa gaming operations na umabot sa P55.05 bilyong piso.

Mas mataas ito ng 68.71% kumpara sa P32.63 bilyong piso na naitala noong 2021.

Iniugnay din ng PAGCOR ang matatag na performance ng gaming industry noong nakaraang taon sa pagbubukas ng borders ng bansa sa local at foreign tourists, na nagpabuti rin sa performance ng travel, entertainment, at hospitality sectors.

About The Author