Kabuuang 400,182 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 noong Miyerkules, a-uno ng Pebrero.
Ito ang pinakamataas na singe-day ridership sa linya mula nang magpatuloy ang operasyon nito noong Hunyo 2020 sa gitna ng COVID-19 Pandemic.
Nalagpasan nito ang dating single-day ridership na 396,345 na naitala noong Enero. 20, 2023.
Tiniyak naman ni MRT-3 Director for Operations, Engr. Oscar Bongon na makakaasa ang publiko na higit pa nilang pagbubutihin ang kanilang operasyon upang mas marami pang mga pasahero ang makinabang sa maayos at abot-kayang serbisyo ng linya ng tren.
Pinaalalahanan din nito ang mga pasahero na ipinatutupad pa rin ang safety protocols sa MRT-3 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.