Napakagandang senyales para kay House Speaker Martin Romualdez ang pagbisita sa bansa ni US Defense Sec. Pete Hegseth.
Para sa House leader, ang pagdalaw ni Hegseth ay patunay sa malalim at makasaysayang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Romualdez, kritikal ang panahon ngayon sa rehiyon dahil sa mga hamon at tensyon na idinudulot ng China sa West Philippine Sea.
Si Hegseth ay sumabak sa ‘high-level’ discussions kasama ang PH officials sa pangunguna ni Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro.
Para kay Romualdez hindi lamang ito usaping pang seguridad, kundi daan din para sa mas malaking economic engagement, mas malawak na kalakalan, jobs generation, at iba’t ibang opportunidad na mag-papaangat sa kabuhayan ng dalawang bansa.