dzme1530.ph

Pagbagsak ng poste sa West Avenue, hindi makaaapekto sa integridad ng MRT-7, ayon sa DOTr

Loading

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi nakompromiso ang integridad ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7), sa kabila nang pagbagsak ng isa sa mga poste nito, sa kahabaan ng West Avenue sa Quezon City, kamakailan.

Sinabi ni DOTr Spokesperson Ramon Ilagan na nangangalap pa rin sila ng reports hinggil sa insidente, subalit maaring isulong pa rin ang partial operations ng MRT-7, sa katapusan ng 2025 o sa susunod na taon.

Hindi rin aniya maiiwasan ang mga kahalintulad na aksidente, at maigi na nangyari ito ng maaga kaysa kapag operational na.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pagguho ng poste, noong Linggo ng hapon, subalit naapektuhan ang kalapit na mga kable ng kuryente.

About The Author