dzme1530.ph

Pagbaba ng trust at approval ratings ni VP Sara, hindi nakagugulat ayon sa isang mambabatas

Kumbinsido si House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na ang pag-iwas ni VP Sara na ipaliwanag ang maling paggamit sa pondo ng DepEd at OVP ang dahilan ng pagsadsad sa trust at approval ratings nito.

Ayon kay Gonzales, mula March 2023 hanggang September 2024, 22% ang ibinagsak ng trust rating ni VP Sara mula sa high of 83% noong March naging 61% na lang ito nitong September survey ng Pulse Asia.

Hindi naman umano ito nakagugulat dahil ang pag-iwas nitong ipaliwanag ang paggasta sa pondo ng OVP at DepEd ay talagang pinag-uusapan ng taumbayan.

Sa September survey ng Pulse Asia, si Sara ang biggest loser dahil ang approval grade nito ay bumagsak ng 9 percentage point mula 69% noong June ay naging 60% na lang ngayong September, habang ang trust rating nito ay 61% na lamang mula sa dating 71%.

Naniniwala si Gonzales na lalo pa itong bababa lalo pa at marami na silang nakita na mga paglabag ng pangalawang pangulo sa paggamit sa pondo ng bayan. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author