dzme1530.ph

PAGASA, binabantayang LPA posibleng maging bagyo

Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area (LPA) na inaasahang maging bagyo.

Sa update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 605 kilometro Silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Magdadala ito ng pag-ulan sa Palawan, malaking bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Sakaling maging bagyo ay tatahakin nito ang Visayas at Southern Luzon.

Samantala, dahil sa Shear Line ay inaasahan pa rin ang mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Mindanao.

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente sa banta ng mga pagbaha at landslides.

About The Author