dzme1530.ph

DITO subscribers, naging “generally smooth” ang unang araw ng Sim Registration

Ipinagmalaki ng Dito Telecommunity Corporation na naging “generally smooth” ang unang araw ng Sim Card Registration para sa kanilang mga subscribers.

Ito ay taliwas sa naranasang aberya ng maraming users ng Globe at Smart sa pagpaparehistro ng kanilang sim.

Ayon kay Dito Telco Chief Administrative Officer Adel Tamano, hanggang alas-tres ng hapon kahapon December 27 ay umabot na sa mahigit 208,000 sim card users ang nakapagparehistro.

Sinabi ni Tamano na naglalaro lamang sa apat na minuto ang pagkumpleto sa registration process.

Mababatid na nagalok ang DITO ng 2 GB bonus data reward para sa kanilang subscribers na makakakumpleto ng sim registration.

Sa ngayon ay mayroon ng labing-limang milyong subscribers ang tinaguriang 3rd Telco Player sa bansa.

About The Author