dzme1530.ph

Kai Ballungay ng Ateneo Blue Eagles, ikinasal na

Ikinasal na ang Ateneo Blue Eagles forward na si Kai Ballungay.

Ito ay ilang linggo lamang matapos magkampyon ang Ateneo sa UAAP Season 85 Men’s Basketball.

Ibinahagi ni Ballungay sa Instagram nito ang litrato ng kanilang kasal ni Bella Dahl na ginanap sa California, USA.

Dahil sa UAAP Championship na sinundan ng kasal, sinabi ng 6 foot 7 bigman sa kanyang tweet ang mga katagang “that’s 2 rings in ’22”.

Si Ballungay ay magbabalik para depensahan ang korona ng Ateneo sa susunod na season.

About The Author