dzme1530.ph

Pag-aresto kay Teves, malaking hakbang para maresolba ang Degamo slay case

Malaking hakbang sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo ang pag-aresto kay dating Congressman Arnulfo Teves Jr.

Ito ang Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva matapos maaresto ang nagtatagong expelled congressman.

Patuloy namang hinimok ng senador ang Department of Justice at iba pang law enforcement agencies na gawin ang lahat ng makakaya para mabigyan ng hustisya ang pamilya Degamo at ilan pang nabiktima noong Marso 4, 2023.

Si Teves ay nahaharap sa patong-patong na kasong murder dahil sa pagpaslang kay Degamo at limang iba pa.

Inihahanda na ng National Central Bureau sa Dili sa tulong ng NCB-Manila at ng Dili Philippine Embassy ang extradition ni Teves sa Pilipinas.

About The Author