![]()
Napilitan ang San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila na isara ang kanilang Outpatient Department matapos pasukin ng baha kahapon.
Mahigit isang libong pasyente kada araw ang nagpapagamot sa Outpatient Department ng ospital.
Maging ang Animal Bite Center ay isinara rin kaya dismayado ang mga magpapaturok sana ng anti-rabies.
Humingi ng paumanhin at pang-unawa si Dr. David Suplico, Medical Center Chief of Staff ng San Lazaro Hospital, kasabay ng pagtiyak na nananatiling bukas ang kanilang Emergency Room para sa anumang emergency cases.
Bagaman halos tapos na ang cleanup operations sa ospital, inaayos pa ang wirings na nabasa dahil sa tumutulong bubong.