Orlando Magic, natuldukan ang sunod-sunod na pagkatalo sa homecourt; Lakers, sinilat

dzme1530.ph

Orlando Magic, natuldukan ang sunod-sunod na pagkatalo sa homecourt; Lakers, sinilat

Loading

Sinilat ng Orlando Magic ang bumisitang Los Angeles Lakers, sa score na 118-106, sa NBA Games, kaninang umaga, oras sa Pilipinas.

Dahil dito, natuldukan ang six-game home losing streak ng Orlando.

Nagsanib pwersa sina Franz Wagner na umiskor ng 32 points at Paolo Banchero na gumawa naman ng 30 points para mabuhat ang koponan.

Tinapatan naman ito nina Luka Doncic at Lebron James na nakapagtala ng 32 points at 24 points, subalit hindi umubra ang depensa ng Lakers sa second half, kaya umarangkada ang Magic.

About The Author