dzme1530.ph

One Muntinlupa, pormal nang naghain ng COC para sa Halalan 2025

Opisyal nang naghain ngayong araw Oktubre 4 ng kanilang Certificates of Candidacy (COCs) ang local political party ng Muntinlupa City na One Muntinlupa para sa darating na Halalan 2025.

Pinangunahan ni Mayor, Ruffy Biazon, at running mate na si Allen Ampaya ang election slate, kasama ang kasalukuyang Muntinlupa Representative Jimmy Fresnedi.

Pinagtibay ni Mayor Biazon ang dedikasyon ng One Muntinlupa sa patuloy na pag-unlad ng lungsod sa ilalim ng kanilang 7K Agenda.

Samantala, muli ring tatakbo si Cong. Jimmy Fresnedi bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Muntinlupa, na nakatutok sa mga legislative reforms para sa kapakanan ng lokal na komunidad.

Binigyang diin ni Biazon ang dedikasyon ng partido sa transparency at people-driven policies.  ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author