dzme1530.ph

Nora Aunor at Matet De Leon, nagkaayos na

Nagkaayos na ang beteranang aktres na si Nora Aunor at anak na si Matet De Leon.

Sa livestream sa kanyang Youtube Channel, ibinahagi ni Matet na nag chat sa kanya si Nora para makipagayos at upang hilinging kalimutan na ang nangyari sa nakaraan kasabay ng pagpasok ng bagong taon.

Nilinaw nito na nadala lamang siya ng matinding galit kaya’t nasabi niyang ayaw na niyang makausap ang kanyang adoptive mother.

Sinabi pa ni Matet na sa ini-upload na video ng rapper na si John Rendez ay makikitang magkasama na sila ng kanyang ina.

Mababatid na naglabas ng sama ng loob si Matet kay Nora matapos itong magtayo ng gourmet business na tila direkta umanong kinompetensya ang kanyang food business.

About The Author