dzme1530.ph

NCRPO, WALANG NAMONITOR NA BANTA SA INC RALLY

Loading

Walang namonitor na banta sa ikatlong araw ng pagtitipon ng Iglesia ni Cristo na ginagawa ngayon sa Liwasang Bonifacio.
 
Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Major Hazel Asilo, hanggang kaninang umaga ay mapayapa ang sitwasyon sa venue.
 
Nilinaw ni Asilo na hindi na kailangan ng rally permit ng INC dahil ang Liwasang Bonifacio ay government-designated freedom park.
 
Ilang kalsada na rin patungo sa Liwasang Bonifacio ang isinara sa daloy ng trapiko kaya’t pinapayuhan ang mga apektadong motorista na maghanap ng ibang ruta.

About The Author