![]()
Tatlong trak ng basura ang nakolekta ng mga tauhan ng Quezon City Department of Sanitation and Cleanup Works at ng Metropolitan Manila Development Authority matapos ang pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA People Power Monument.
Nakolekta ang mga basura sa White Plains Avenue, People Power Monument at sa kahabaan ng EDSA malapit sa Camp Aguinaldo.
Karamihan sa mga nakuhang basura ay mga plastic bottles at mga tirang pagkain at food packaging.
Ang koleksyon ng basura ay mula lamang nitong Miyerkules ng gabi hanggang kaninang umaga.
