dzme1530.ph

Muller, Del Rosario, Schrock bahagi na ng Far East United

Bahagi na ng Far East United in TST All-Star football tourney si former Azkals captain Stephan Schröck.

Makakasama niya sa koponan ang dating National Goal Keeper na si Roland Muller, maging ang defender na si Anton Del Rosario, pati na ang mga dating nakalaban sa Aff Championships.

Ito’y para sa sasalihang the soccer tournament  o  TST 1-million dollar winner-takes-all tournament na gaganapin sa North Carolina sa June 1 hanggang 4.

Bukod sa mga Pilipinong manlalaro, ang Far East United Team ay kinabibilangan ni dating Indonesian National Team Captain Mark Klock, dating Thailand National Team Member Charyl Chappuis, at isang National Team Player mula sa Brunei na hindi pa pinapangalanan.

Kabilang naman sa mga noted teams na maglalaro ay ang Club na pag-aari ni dating American National Team at World Cup Player Clint Dempsey, at mga team na pag-aari ng celebrities gaya ni Eva Longoria, Ryan Reynolds, NBA Stars Shawn Marion at Rip Hamilton, dating Germany at Real Madrid Star Mesut Ozil, at Baseball Star Justin Verlander.

About The Author