dzme1530.ph

MT. Kanlaon, nagbuga ng 5,000 tonnes ng sulfur dioxide, kagabi

Mahigit limanlibong tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkang Kanlaon, kagabi, ayon sa PHIVOLCS.

Ibinahagi ng state seismologists ang video kung saan nagpapatuloy ang degassing mula sa bunganga ng bulkan, na nai-record ng thermal camera ng lower Masulog, Canlaon City Observation Station.

Sinabi ng PHIVOLCS na dumarami ang ibinubugang sulfur dioxide ng Kanlaon simula nang pumutok ito noong June 3, na ang average ay nasa 4,185 tonnes per day.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa Alert level 2 ang bulkang Kanlaon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author