dzme1530.ph

Model na si AR Dela Cerna, humarap din sa pagdinig ng Senado kaugnay sa POGO ops

Humarap din sa pagdinig ng Senado kaugnay sa POGO operations ang supranational model na si AR Dela Cerna.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni dela Cerna makaraang makita sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga ang appointment papers niya bilang executive assistant ni dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque.

Sa kanyang testimonya, inamin ni dela Cerna na tumutuloy siya sa POGO hub sa tuwing mayroon siyang pasok sa flying school sa Pampanga.

Hindi naman masagot ni dela Cerna kung bakit libre lamang ang pagtira niya naturang lugar sa Porac, Pampanga.

Inamin din ni dela Cerna na nagsimula siya bilang bahagi ng social media team ni Roque bago siya naging Executive Assistant ng dating presidential spokesman.

Naging bahagi din aniya siya ng campaign team ni Roque pero binigyang-diin ni dela cerna na wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO.

Inamin din ni dela Cerna na ipinakilala siya ni Roque kay Cassie Lee Ong na pinakiusapan niyang patirahin sa lodging house sa POGO hub.

About The Author