![]()
Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III na gumagana ang lahat ng 73 pumping stations na kanilang ino-operate sa gitna ng patuloy na pananalasa ng ulan.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Torre na patuloy din ang monitoring nila sa lahat ng area sa Metro Manila, partikular ang mga low-lying areas.
Kasabay nito, kinumpirma ni Torre na wala pang abiso ngayon kung magpapakawala na ng tubig sa La Mesa Dam, pero umaasa siyang magiging dahan-dahan ang pagpapalabas ng tubig mula sa dam para hindi agad magdulot ng pagtaas sa Tullahan River.
