dzme1530.ph

LLDA, NANAWAGAN NG PAGHAHANDA SA PATULOY NA PAGTAAS NG WATER LEVEL SA LAGUNA DE BAY

Loading

Pinaghahanda ng Laguna Lake Development Authority o LLDA ang mga lakeshore communities, local government units at iba pang stakeholders sa paligid ng Laguna de Bay sa posibleng pagtaas pa ng tubig dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
 
Sa advisory ng LLDA, nananatili sa critical high-water mark ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay na posible pang tumaas dahil sa patuloy na ulan.
 
Batay sa near-real-time monitoring sa pamamagitan ng radar level sensor, ang water level sa Laguna de Bay ay nasa 11.90 meters.
 
Pinapayuhan ng LLDA ang mga komunidad sa paligid ng Laguna de Bay na maging alerto sa localized flooding at tiyaking gumagana ang drainage system at tributary rivers patungong lawa.
 
Pinapayuhan naman ang mga mangingisda at mga operator ng fish pens at fish cages na isaayos ang kanilang mga istruktura laban sa malakas na hangin at pag-ulan.

About The Author