Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding scheme bukas, Jan. 29, sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Sa Facebook post, sinabi ng MMDA na asahan ang mabigat na trapiko sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, partikular sa Binondo, sa Maynila na pinakamatandang Chinatown sa buong mundo.
Una nang inihayag ng Manila Police District-Public Information Office, na hindi maaring daanan ng mga sasakyan, ang ilang kalsada, simula mamayang alas-9 ng gabi, bisperas ng Chinese New Year.
Ang mga ito ay ang kahabaan ng Quintin Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmariñas Street; Jones Bridge; Plaza Cervantes; at Binondo-Intramuros Bridge.